ang sakit pala pag mahal na mahal mo yung isang taong ayaw naman sa yo. hindi ako makahinga, kinakabahan palagi kasi baka humagulgol ka sa harap ng ibang tao na ikaw lang ang nakakaalam ng dahilan nkung bakit ka umiiyak. nagaksaya ako ng luha, panahon at dasal para lang sa taong ito, ni hindi naman nya ata pansin na importante pala siya sa buhay ko. kahit na ilang beses sabihin sa kin ng mga kaibigan ko na walang kwenta yung taong iniiyakan ko, sa isip isip ko mahal ko pa rin sya.
nasaktan ako ng malaman may gusto syang iba. ano gagawin ko?! hindi naman ako payat? hindi naman ako makinis? hindi rin ako bata? hindi rin naman sinadya nung babae na nagkagusto sya sa kanya. sinabi ko sa sarili ko ngiti lang ng ngiti hanggang mamanhid ka.. mahirap pala yun at bigla na lang akong napaiyak. pero kahit umiiyak ako ng dugo sa nangyari wala naman akong magagawa. kung napagtratrabuhan lang ang pagmamahal ng isang tao.. malamang napromote na ako na maging girlfriend nya.
natanggap ko na wala akong halaga sa buhay nya nung nakikita nya na natataranta ako sa kakahanap ng gamit ko pero tuloy pa rin sya sa pakikipagkwentuhan dun sa gusto nya... ni hindi man lumingon at magtanong kung kamusta ako. naisip ko rin na inaabuso ko na sarili ko, kasi wala naman akong halaga sa taong ito pero siya, halos buong araw iniisip ko sya.
kahit na ganoon, palagi ko pa rin iisipin na sana hindi sya mapagod sa trabaho nya, nakakakain sya sa tamang oras, hindi natutuyuan ang likod nya at palagi syang masaya. hindi ko na aasamin na makasama sya, nakakapagod kasi na yung mahal mo ay sya ring rason kung bakit napakalungkot ng buhay mo. sisimulang ko ng kalimutan sya o kaya isipin na lang na may rason kung bakit hindi sya binigay sa akin.
Wednesday, June 16, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment